Boaz Pest Control Services Salute to our Frontliners

January 30, 2020, 2 patients were identified to be the first covid-19 cases in the Philippines. The wife survived but the husband didn’t recover.

Almost one year later, as of December 3, 2020, 430,000 cases, 400,000 recoveries and 8,000++ deaths were recorded. In between those times, one cannot imagine the impact it has brought to the world, our country, our provinces, our families, ourselves. Sa loob ng halos isang taon, samu’t saring sakuna ang dumaan at nagpadapa sa atin. Ang ating kumpanya ay hindi nakaligtas, 8 sa ating mga kasama ang nawala, 30% ng ating mga clients ang hindi na nagpagawa at halos kalahati ng ating collection ang hindi pa nababayaran.

Sa kabila ng mga iyon, kayo mga Azenyo ang aming naging ilaw sa gitna ng dilim. Naging magiting kayo at tinanggap ang lahat ng hamon, sa kabila ng takot, banta at pangamba sa hindi nakikitang kalaban. Naging mabuti kayo, naging matapat at nanatiling nagtiwala sa amin bilang inyong leader upang gawing mas matatag, mas palakasin at mas pag igihin pa ang ating Boaz Pest Control.

Gusto naming pasalamatan kayo mula sa kaibuturan ng aming puso, FRONTLINERS ng inyong pamilya, FRONTLINERS ng bansa, FRONTLINERS ng Boaz Pest Control. Lagi natin ipaaalala sa sarili natin na tayo ay naging matatag sa gitna ng pandemya, para sa ating bansa, pamilya at pamilya sa Boaz Pest Control. Tuloy lang po ang pagiingat at sa awa ng Diyos ay matapos na ito.